^

Metro

8 tiklo sa pot session

-
Walong katao na umano’y sugapa sa droga ang dinakip ng mga awtoridad matapos na mahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Kinilala ang mga suspect na sina Adelaida Cristobal, 75; Jaime Perez, Jr.,60; Eduardo Gutierrez, 51; Romeo Oliverna, 43; Ramon Malandog, 36; Romeo Angeles, 36; Ronnie Dequiña, 26; at Donato Sison, 19, pawang mga residente ng naturang lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa kanilang asset na may nagaganap na pot session sa panulukan ng San Francisco at Bernal Sts. Brgy. Daniel Fajardo, LP City.

Nadakip sa akto ang mga suspect na kinabibilangan ng tatlong matatanda.

Nakumpiska sa mga suspect ang dalawang plastic sachet ng shabu at shabu paraphernalias.

Ang mga ito ay kakasuhan ng paglabag sa Dangerous Drug Act. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ADELAIDA CRISTOBAL

BERNAL STS

DANIEL FAJARDO

DONATO SISON

DRUG ACT

EDUARDO GUTIERREZ

JAIME PEREZ

LAS PI

LORDETH BONILLA

RAMON MALANDOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with