Promdi,inutas habang nagsasagawa ng "tawag ng kalikasan"
August 24, 2003 | 12:00am
Isang 23-anyos na promdi ang pinagtripang saksakin ng apat na hindi pa nakikilalang suspect na pinaniniwalaang mga drug addict habang umeebak sa loob ng sementeryo kahapon ng madaling-araw sa Navotas.
Agad na namatay ang biktima na nakilalang si Ricard Verdaje, truck helper ng Blk. 6, Bagong Silang, Brgy. San Jose sanhi ng maraming tama ng saksak sa katawan.
Isa naman sa apat na suspect ang nadakip at ito ay nakilalang si Alvin Lumontad, 19, habang pinaghahanap pa ang tatlo nitong kasamahan. Tinangka pa nitong tumakas.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-5 ng madaling-araw sa loob ng Municipal Catholic Cemetery sa naturan ding munisipalidad.
Nakaramdan ang biktima ng paghilab ng tiyan kung kayat minabuti nitong ilabas ang nararamdamang "tawag ng kalikasan."
Paparating naman noon ang mga suspect na lango sa alak at droga at napagtuunan ng pansin ang biktima.
Nilapitan ng mga suspect ang biktima habang hawak-hawak ang dalawang patalim at pinagtulungang hawakan ito. Walang sabi-sabing inundayan ng saksak ng mga suspect ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nabatid na ang mga suspect ay nasa ilalim ng impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot matapos na masakote si Lumontad ng mga barangay tanod na nooy nagpapatrolya. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended