Pulis binaril bago nagpakamatay
August 24, 2003 | 12:00am
Isang lalaki ang nagpakamatay makaraang barilin nito at mapatay naman ang isang retiradong pulis sa isang inuman kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Kapwa idineklarang dead on arrival sa Mission Hospital ang mga biktimang sina Danilo Bernardo, #53 ng 01 Dahlia St. de Castro Subd., Brgy. Sta. Lucia na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib at Ret. Lt. Alfredo Santiana, 63, ng #19 Jennys Ave. Brgy. Maybunga na binaril naman sa puso ni Bernado ng .38 kalibre ng baril.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa bahay mismo ng suspect habang masaya itong nag-iinuman kasama ang biktima at mga kaibigan na sina Renato Ramos, 41, at Arturo Garcia, 57.
Dala ng kalasingan, pansamantalang lumabas ng bahay sina Ramos at Garcia subalit nagulat na lamang sila nang marinig ang isang putok ng baril.
Nakita na lamang nilang nakahandusay si Santiana habang papasok naman ng kuwarto si Bernardo at ilang segundo lang ang nakalipas ay isang putok muli ang kanilang narinig.
Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo ng pamamaslang at ang pagpapakamatay ni Bernardo. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest