^

Metro

Bala,pampasabog kuha sa lupa ni Trillanes

-
Malaki ang posibilidad na lalo pang lumakas ang kasong rebelyon laban kay Lt. SG Antonio Trillanes IV matapos na aksidenteng madiskubre at makuha ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang ilang matataas na ammunition at pampasabog sa lupain na pag-aari nito sa Quezon City noong Agosto 21.

Sa ginanap na press conference sinabi ni NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco na dakong alas- 3:55 ng hapon nang nililinis ni Noel Parnel, ang caretaker ng lupa ni Trillanes ang mga kalat.

Nagulat na lamang sila nang biglang sumabog ang mga naipong kalat nang ito ay kanilang sunugin kung kaya’t agad namang tumawag ng pulis ng Central Police District ang mga BSDO na sina Pablo Merca Jr. at Elmer Escalanta.

Matapos ang pagsabog, sinisiyasat ng mga pulis ang lugar at nakita ang may 60 pirasong bala ng kalibre 50 ng baril; ilang piraso ng C-4 plastic explosive, blasting caps at pira-pirasong light anti-tank weapon.

Bukod sa mga ito nakuha din ng mga CPD operatives ang mga armbands na ginamit ng grupong Magdalo; listahan ng mga pangalan ng mga AFP officials at truck na ginamit sa pagdadala ng mga gamit ng grupo. Ito ay kasalukuyang bineberipika pa sa Land Transportation Office (LTO).

Ipinaliwanag ni Velasco na nakumpirma na kay Trillanes ang lupa nang kasuhan nito sa barangay si Anastacia Santarin noong Marso 2003 ng trespassing. Nagharap naman ng kasong harassment si Santarin laban kay Trillanes.

Iginiit ni Velasco na ang pagkakadiskubre ng mga bala at pampasabog sa lupang pag-aari ni Trillanes ay indikasyon na pinagplanuhang mabuti ng grupong Magdalo ang pagsasagawa ng kudeta sa Oakwood Hotel noong nakaraang Hulyo 17 sa Makati City.

Taliwas naman ito sa pahayag ng Magdalo Group na nagkataon lamang at hindi nila binalak na mag-aklas laban sa pamahalaan.

Hindi rin umano maituturing na isyu ng pamahalaan sa isang sundalo ang mga nakuhang uri ng bala at pampasabog dahil ito ay ginagamit lamang sa mga sensitibong operasyon laban sa mga rebeldeng kaaway ng pamahalaan.(Ulat ni Doris Franche)

ANASTACIA SANTARIN

ANTONIO TRILLANES

CENTRAL POLICE DISTRICT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

DORIS FRANCHE

ELMER ESCALANTA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAGDALO

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with