Bangkay ng mag-tiyuhin,isa pa narekober
August 23, 2003 | 12:00am
Tatlong bangkay ng kalalakihan kasama na rito ang magtiyuhin na nalunod sa Tullahan river sa kasagsagan ng bagyong si Lakay, sa Valenzuela City, ang natagpuan, kahapon ng umaga.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ng isang Lenie Sinda, ng Potrero, Malabon ang bangkay ng 13-anyos na si Aljon Rescambo, estudyante ng Marullas High School, ng #158 East Riverside, Potrero, Malabon.
Di Kalayuan sa nasabing lugar ay natagpuan naman ang bangkay ng tiyo nitong si Jerry Janipin, 37, isang mason, ng nabanggit na lugar.
Matatandaang ang magtiyuhin ay kapwa tinangay ng tubig-ilog sa Tullahan River dakong alas-2:30 ng hapon noong Agosto 20.
Isang naaagnas na bangkay naman ng isang di-kilalang lalaki ang nakitang lumulutang din sa ilog sa Packweld Village, Marulas, Valenzuela City. Posibleng biktima ng summary execution ang biktima dahil bagamat naaagnas na ang katawan nito ay nakitaan ito ng bakas ng pagpapahirap. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended