'Showgirls' binalaan sa malaswang palabas
August 22, 2003 | 12:00am
Iniutos ni Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad ang pag-aresto sa sinuman sa mga starlet ng kontrobersiyal na Showgirls Dance Showdown na magpapalabas ng kalaswaan sa Folk Arts Theatre sa darating na Agosto 30 ng taong kasalukuyan.
Magtatalaga ang nasabing alkalde ng monitoring team sa nabanggit na lugar na pagtatanghalan upang matiyak na hindi lalabag ang mga performers sa regulasyon na ipinaiiral ng lungsod.
Nabatid na mga empleyado sa Pasay City Hall at pulisya ang ipapakalat ni Trinidad habang nagpapalabas ang showgirls.
Ang babala ni Trinidad ay tugon sa naunang banta ni Pampanga Congressman Francis Nepomuceno na papanagutin ang alkalde sakaling ituloy nito o payagang makapag-perform sa Agosto 30 ang mga showgirls. Ayon kay Nepomuceno higit pa umanong kalaswaan ang maaaring gawin at ipakita ng mga grupo kumpara sa ipinalabas ng mga ito sa Angeles City kamakailan na doon ay nag-alis ng panty ang isang miyembro ng grupo na si Aleck Bovick.
Kabilang sa mga kontrobersiyal na showgirls sina Aubrey Miles, Priscilla Almeda, Geneva Cruz, Jenny Miller, April Tolentino, Michell Estevez, Cherry Lou, Angelica Jones, Regine Tolentino at Angela Velez. Ang palabas ay mula sa production ng Red Chair at live artist.
Gayundin, nagpalabas ng hiwalay na direktiba si Pasay City Congresswoman Connie Dy na darakpin ang sinuman sa mga starlet na magpe-perform ng malaswa.
Siniguro ni Trinidad na nasa ayos ang lahat ng sayaw at production techniques sa gaganaping show at hindi lalampas sa limitasyong ibinigay ng pamahalaang lungsod.
Nilinaw ng alkalde na hindi kakanselahin ang itinakdang palabas basta tumupad lamang sa mga napagkasunduang limitasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest