Base sa apat-na-pahinang complaint affidavit na isinampa ni dating Makati City Vice-Mayor Roberto Brillante, konektado sa Campaign for Public Accountability (CPA), isang non-government organization na nagbabantay laban sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian.
Sinampahan ng kasong plunder, anti-graft and corrupt practices, falsification of public documents, estafa at paglabag sa code of conduct and ethical standards for government official and employees sa Tanggapan ng Ombudsman sina dating Makati City Mayor, Dra. Elenita Binay, ng #8514 Caong St., City Administrator Nicanor Santiago; Treasurer Luz Yamane; General Services chief Engr. Ernesto Aspillaga; Ospital ng Makati OIC Dr. Ramoncito Coronel; Health Dept. Office chief Guia Bautista at Apollo Carreon, ng Apollo Medical Equipment and Supplies na matatagpuan sa South Star Plaza ng nabanggit na lungsod.
Ang reklamo ni Brillante laban sa mga nabanggit na opisyal ay may kaugnayan sa ulat ng Commission On Audit hinggil sa umanoy maanomalya at kuwestiyonableng overpricing ng mga hospital equipment, truck at text books na nagkakahalaga ng mahigit sa P300 milyon.
Kung saan nagsabwatan umano ang nabanggit na mga opisyal upang pekein ang mga dokumento. (Ulat ni Lordeth Bonilla)