^

Metro

P1 taas pasahe sa mga jeep malamang maaprubahan

-
Ipinahiwatig ng Land Transportation Franchising Board (LTFRB) na malamang makalusot ang pisong taas sa pasahe sa mga pampasaherong jeep na naisnab kamakailan ng naturang ahensiya dahil sa umano’y kakulangan sa merito.

Sinabi ni LTFRB Chairman Dante Lantin na bunsod ng katatapos na pagtaas sa presyo ng gasolina at diesel sa bansa maaaring makalusot na ang pisong taas sa pasahe na idinulog ng ibat-ibang transport groups.

Magugunitang una nang ibinasura ng LTFRB ang petisyon ng transport groups subalit sa muling pagtataas ng presyo ng gasolina at diesel malamang umano na paboran na ng ahensiya ang petisyon.

Gayunman, nilinaw ni Lantin na isasalang muli ito sa pagdinig ng LTFRB board upang hindi naman madehado ang taumbayan sakaling matuloy ang pagtataas ng pamasahe partikular na sa mga pampasaherong jeep. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CHAIRMAN DANTE LANTIN

CRUZ

GAYUNMAN

IPINAHIWATIG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING BOARD

LANTIN

MAGUGUNITANG

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with