16-anyos dinukot saka ginang-rape
August 21, 2003 | 12:00am
Dinukot sa loob ng bahay ng kanyang boyfriend ang isang 16-anyos na dalagita ng tatlong kilabot na maton at ginahasa sa isang barung-barong sa Tondo, Maynila.
Iprinisinta kahapon sa Western Police District Headquarters ang isang naarestong suspect sa isinagawang follow-up operation na nakilalang si Francis Morales, 44, tubong Paracale, Camarines Sur at naninirahan sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.
Nakatakas naman ang mga kasamahan nito na ang isa ay nakilala lamang sa alyas na Bunso, habang ang isa ay hindi pa nakikilala.
Ayon kay Senior Inspector Raymund Liguden, hepe ng WPD-Sekreta nasakote ang suspect dakong alas-3:30 ng hapon kamakalawa sa Isla Puting Bato matapos na mamataan si Morales at Bunso na nakikipag-inuman sa naturang lugar.
Agad na nakorner si Morales habang nagawa namang makatakbo ni Bunso. Hinabol pa ito ng mga operatiba ngunit nagawang makapagtago sa mga barung-barong sa lugar.
Ang operasyon laban sa mga suspect ay isinagawa matapos na magreklamo ang isang 16-anyos na dalagita na itinago sa pangalang Jane ng pagdukot at panggagahasa sa kanya noong Agosto 17.
Sinabi ng biktima na nakatulog umano siya sa bahay ng kanyang kasintahan na si Gilbert sa may Purok 2, Zone 20 sa Isla Puting Bato nang pasukin siya ni Morales at Bunso dakong alas-4 ng madaling-araw at puwersahang kinaladkad palabas.
Wala namang nagawa ang kanyang kasintahan nang tutukan ito ng baril ng mga suspect at matagumpay siyang dinala sa barung-barong sa naturang lugar.
Palit-palitan umano siyang hinalay ng mga suspect at kinabukasan ay pinalaya rin siya ng mga ito kung saan agad siyang nagharap ng reklamo sa pulisya kasama ang kanyang mga magulang.
Sa isinagawa ngang operasyon tanging si Morales ang nadadakip pa ng pulisya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended