Nakilala ang nasawi na si Katherine Triguero, stay-in housekeeper sa #21-A Eastwood Olympic Heights Condominium, Libis Quezon City.
Sa pahayag ni PO1 Rommel Merino, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling-araw sa nabanggit na lugar.
Ayon umano sa ilang saksi, bago naganap ang pagpapakamatay ng dalaga, nakarinig sila ng isang malakas na kalabog mula sa garden area sa ikalawang palapag ng nabanggit na condominium at nang tunguhin nila ang pinagmulan ng ingay ay nakita nila ang nakahandusay na si Triguero.
Nakakuha ang mga awtoridad ng pitong- pahinang suicide note sa biktima na nakalagda pa sa ibaba ang pangalan nito.
Sinabi naman ni Evon Paredes, kasamahan ni Triguero na nitong mga huling araw ay palagiang napapansin nila na malungkot ang biktima sa hindi malamang dahilan.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa kaso para matiyak na walang naganap na foul play sa kaso. (Ulat ni Angie dela Cruz)