^

Metro

Dalaga tumalon sa condo, patay

-
Isang 23-anyos na dalaga ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-21 palapag ng isang gusali sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Katherine Triguero, stay-in housekeeper sa #21-A Eastwood Olympic Heights Condominium, Libis Quezon City.

Sa pahayag ni PO1 Rommel Merino, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling-araw sa nabanggit na lugar.

Ayon umano sa ilang saksi, bago naganap ang pagpapakamatay ng dalaga, nakarinig sila ng isang malakas na kalabog mula sa garden area sa ikalawang palapag ng nabanggit na condominium at nang tunguhin nila ang pinagmulan ng ingay ay nakita nila ang nakahandusay na si Triguero.

Nakakuha ang mga awtoridad ng pitong- pahinang suicide note sa biktima na nakalagda pa sa ibaba ang pangalan nito.

Sinabi naman ni Evon Paredes, kasamahan ni Triguero na nitong mga huling araw ay palagiang napapansin nila na malungkot ang biktima sa hindi malamang dahilan.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa kaso para matiyak na walang naganap na foul play sa kaso. (Ulat ni Angie dela Cruz)

A EASTWOOD OLYMPIC HEIGHTS CONDOMINIUM

ANGIE

AYON

CRUZ

EVON PAREDES

KATHERINE TRIGUERO

LIBIS QUEZON CITY

QUEZON CITY

ROMMEL MERINO

TRIGUERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with