Dobleng seguridad kay Erap dahil sa 'kill plot'
August 20, 2003 | 12:00am
Dobleng seguridad ang ipagkakaloob ng Philippine National Police (PNP) sa dating Pangulong Joseph Estrada para masiguro ang kaligtasan nito.
Ito ang inihayag ni Chief Supt. Prospero Noble, ng Police Security Protection Office, na pangunahing itinalaga para mangalaga sa seguridad ng dating Pangulo.
Ginawa ni Noble ang pahayag bunsod ng nadiskubreng kill-plot sa buhay ng dating lider ng bansa base sa pagbubulgar ng RAM sa kainitan na rin ng isinasagawang pagdinig sa naganap na pag-aaklas ng mga junior officers ng AFP.
Bagamat inalis na ang state of rebellion sa kasalukuyan ay doble ang seguridad ng mga tauhan ni Noble para sa dating Pangulo na naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
Sinabi ni Noble na hindi na makakayanan ng PNP ang panibagong kahihiyan katulad sa naganap na pagpaslang kay dating Senador Ninoy Aquino.
Aminado rin si Noble na grabeng kahihiyan na ang inabot ng PNP mula sa pambabatikos ng ibat-ibang sektor bunga ng pagkakatakas ni Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi kasama ang dalawang lokal na terorista sa kanilang selda sa Camp Crame noong nakaraang Hulyo 14, ng taong ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am