^

Metro

Pintor naaburido, nagbigti

-
Bunsod ng labis na kahirapan at pagkaaburido, isang pintor ang dumayo sa bahay ng kanyang tiyahin upang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakabitin pa sa kisame nang matagpuan si Russel Odeon, 31, binata, house painter at residente ng 12 Meriales St., Abalos, Valenzuela City.

Natagpuan ang bangkay nito dakong alas-7 ng gabi ng kanyang kaibigang si Edmund Tangzo sa abandonadong bahay na pag-aari ng tiyahin ng nasawi na si Erlinda Puno na matatagpuan sa 30 San Miguel Ridge, Marulas, Valenzuela.

Ayon kay Tangzo, madalas na nagtutungo ang biktima sa nasabing lugar sa tuwing magkakaroon ito ng problema kung saan nitong mga huling araw umano ay idinaing ng biktima sa kanya ang hirap na nararanasan nito sa buhay at ang responsibilidad niya sa pamilya na hindi nito magampanan ng lubusan.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima sa kanilang tahanan kung saan malungkot ito at nag-aayos ng isang nylon cord. Nang tanungin ng mga kaanak nito kung para saan ang kanyang ginagawa ay umiling lamang ito.

Bago umano sumapit ang takip-silim ay umalis si Odeon sa kanilang bahay at nagtungo sa abandonadong bahay ng kanyang tiyahin. Ilang oras pa ang nakalipas ay natagpuan itong nakabitin at wala nang buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

ABALOS

AYON

BUNSOD

EDMUND TANGZO

ERLINDA PUNO

MERIALES ST.

ROSE TAMAYO

RUSSEL ODEON

SAN MIGUEL RIDGE

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with