Mga empleyado ng gobyerno na "wow mali" sa SONA bonus
August 20, 2003 | 12:00am
Matapos maging masaya ng mga empleyado ng gobyerno, partikular ng Department of Health (DOH) dahil sa hindi inaasahang P5,000 State-of-Nation (SONA) incentive bonus na kanilang natanggap noong nakaraang Disyembre, nagmistulang biktima ang mga ito ng Wow, Mali dahil binawi sa kanila ang nasabing bonus.
Ang pagbawi ng Sona Incentive Bonus sa lahat ng mga empleyado ng DOH sa buong kapuluan ay nangyari matapos magpalabas ng memorandum ang Department of Budget and Management na nagsasabing walang karapatan ang DOH na magpalabas ng nasabing bonus.
Ayon kay Bukidnon Rep. Juan Miguel Zubiri, ang pagpapalabas ng kontrobersiyal na bonus ay nakasaad sa DOH Administrative Order 183 na nilagdaan ni Health Undersecretary Antonio Lopez noong Disyembre 11, 2002. Nakasaad sa order na ang pondo ay kukunin sa year-end savings ng ahensiya.
Nakalagay din umano sa order na malaki ang naiambag ng DOH sa pagtatayo ng strong republic kaya dapat lamang bigyan ng SONA bonus ang mga empleyado nito.
Pero noong Agosto 7, 2003, nagpalabas ang DOH ng Department Memorandum 96, na nag-uutos sa mga kinauukulang empleyado ng DOH na ibalik ang SONA incentive bonus sa pamamagitan ng buwanang payroll deduction na P200 hanggang sa maisauli nila ang bonus.
Ayon kay Zubiri, hindi ang mga empleyado ng DOH ang dapat parusahan sa nangyaring bureaucratic Wow Mali na posibleng nangyari din sa ibang ahensiya ng gobyerno.
Marami pa rin aniyang ahensiya ng gobyerno ngayon ang nag-uutos sa kanilang empleyado na ibalik ang ipinalabas na SONA bonus dahil sa naging kautusan ng DBM. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended