^

Metro

'Showgirls dance Showdown' sa Folk Arts, pinapipigil ng solon

-
Upang hindi na maulit ang pagbababa ng panty ni Aleck Bovick sa harap ng publiko, nanawagan kahapon si Pampanga Rep. Francis Nepomuceno kay Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad na huwag bigyan ng permit o i-ban ang nakatakdang ‘Showgirls Dance Showdown’ sa Folk Arts Theatre sa darating na Agosto 30, 2003.

Ayon kay Nepomuceno, hindi na dapat maulit ang pagbaba ng panty ni Bovick sa debut ng Showgirls sa Casino Espanol sa Angeles City dahil hindi ito magandang halimbawa sa mga kabataan.

Kabilang sa inaasahang magpapakita ng mga sexydance numbers sa Folk Arts maliban kay Bovick ay sina Aubrey Miles, Priscilla Almeda, Geneva Cruz, Jenny Miller, April Tolentino, Michelle Esteves, Cherry Lou, Angelika Jones, Regine Tolentino at Angela Velez.

Ayon kay Nepomuceno, ang nangyaring palabas sa Casino Espanol ay maihahalintulad sa isang show sa kabaret na mayroong dirty dancing.

"Dapat i-ban ni Mayor Trinidad ang ganitong malaswang palabas ng FAT", dagdag pa ni Nepumuceno.

Ang Folk Arts Theatre umano ay itinayo upang i-promote ang mayamang kultura ng Pilipinas at hindi upang magamit sa malalaswang palabas.

Nanawagan din ang solon sa Department of Justice at PNP na ipagharap ng sakdal ang mga taong nagsasagawa ng pornographic activities katulad ng Showgirl Showdown. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALECK BOVICK

ANG FOLK ARTS THEATRE

ANGELA VELEZ

ANGELES CITY

ANGELIKA JONES

APRIL TOLENTINO

AUBREY MILES

AYON

BOVICK

CASINO ESPANOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with