6 miyembro ng 'Bukiri Gang' timbog

Arestado ang anim na miyembro ng Buriki Gang makaraang magduda ang isang may-ari ng tindahan na kulang sa timbang ang kanyang nabiling bigas kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Positibong itinuro ni Angelita Villamin, 54 ng Aglipay St. Brgy. Poblacion ang mga suspect na nakilalang sina Jimmy Calosa, 30; Julio Aban, 28; Teddy Babon, 33; Ruel Revilla, 26; Noel Buco, 19 at Arsenio Cardenas, 49 pawang residente ng Bounganvilla St. Pembo, Makati City.

Ayon kay Villamin naganap ang insidente dakong alas 11 ng tanghali nang bentahan siya ng mga suspect ng isang sako ng bigas na nagkakahalaga ng P1,100 na kanya namang ibebenta sa kanyang tindahan

Dala na rin ng pagdududa, ipinatimbang ng biktima ang biniling bigas at lumitaw na umaabot lamang ito sa 40 kilo.

Agad na nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad at nahuli ang anim na suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments