Ex-DOTC sec., 7 pa kinasuhan ng graft
August 18, 2003 | 12:00am
Sinampahan na nang kasong graft si dating Transportation Secretary Pantaleon Alvarez at pitong iba pang dating matataas na opisyal ng DOTC at Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay ng pagkakaloob ng konsesyon sa PIATCO sa pagtatayo ng Terminal 3 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bukod kay Alvarez, kinasuhan din sina dating DOTC Secretary Vicente Rivera, Jr.; Undersecretary Primitivo Cal at Wilfredo Trinidad,; dating MIAA Gen. Mgr. Francisco Atayde at Antonio Gana at Asst. Gen. Mgr. Herminia Castillo at Cesar Valbuena.
Ayon kina Aileen Sanchez at Alma Bulawan, kapwa taga Central Luzon at nagsampa ng kaso lubhang nakaapekto sa operasyon ng Diosdado Macapagal International Airport dating Clark International Airport sa Angeles City ang konsesyon na ilang ulit ding pinalitan at pinayagan ng mga akusado.
Nakasaad sa binagong konsesyon na hindi maaaring magdagdag ng pasilidad at makapagserbisyo sa pasaherong hihigit sa 850,000 bawat taon ang DMIA hanggat hindi naaabot ng NAIA Terminal 3 ang pagseserbisyo sa 10 milyong pasahero kada taon sa loob ng susunod na tatlong taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am