^

Metro

P30-M gamit sa pamemeke ng VCD nasabat

-
Umaabot sa P30 milyong halaga ng mga pekeng VCD at kagamitan sa paggawa nito ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng mga PNP-Task Force VRB at ng VRB-Intelligence and Investigation Division sa ginawang pagsalakay kamakalawa sa tatlong sangay ng Disc Co Tech sa San Juan at Pasig City.

Ayon kay VRB chairman Ramon "Bong" Revilla, Jr. , magkasabay na isinagawa ang pagsalakay noong Biyernes sa una at ikalawang palapag sa Virra Mall, Greenhills at sa Unit 1804, Tower F, Renaissance Tower 1000, Meralco Ave., Pasig City.

Mabilis namang nakatakas ang may-ari ng establisimyento at pakay ng search warrant na si Colin Manuel .

Kabilang sa mga nasabat ng mga awtoridad ay ang 11 unit ng CD Replicator o Burner Tower; limang computer processor; tatlong metal stamper; anim na PC Monitor at Keyboard; dalawang PC printer; limang blank spool ng CDR; dalawanng kahon ng pekeng VCD at DVD; isang ADSL modern na Nokia at libu-libong Microsoft at Macromedia software label.

Sinabi ni Revilla na matagal na nilang minamatyagan ang mga lugar ni Manuel at ng ito ay positibo, agad silang kumuha ng search warrant para dito.

Si Manuel ay kakasuhan ng paglabag sa PD 1987 at Sec. 177 ng RA No.8292 o Copyright Infringement. (Ulat ni Doris Franche)

BURNER TOWER

COLIN MANUEL

COPYRIGHT INFRINGEMENT

DISC CO TECH

DORIS FRANCHE

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

MERALCO AVE

PASIG CITY

RENAISSANCE TOWER

REVILLA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with