Gurong nanakit ng pupil inireklamo
August 17, 2003 | 12:00am
Nanganganib na masibak sa kanyang tungkulin ang isang guro matapos itong ireklamo ng ina ng isa nitong estudyante na umanoy sinaktan nito dahil sa kaingayan, kamakalawa ng umaga sa Malabon City.
Nahaharap naman ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law) ang teacher ng biktima na si Ms. Salvacion Musa.
Ang biktimang si John Edcel Basco, 7, grade one pupil ng Niugan Elementary School ng #7-E Aquino St., Brgy. Niugan, Malabon ay pormal na nagreklamo kahapon sa pulisya kasama ng kanyang inang si Celerina Basco, 41.
Ayon sa sinumpaang salaysay ng biktima, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng umaga sa loob ng kanilang silid-aralan. Kasalukuyan umanong nagtuturo ang suspect nang mapansin ang biktima na nakikipagkuwentuhan sa iba niyang mga kamag-aral.
Sinaway umano ito ni Musa subalit hindi naman ito pinansin ni Edcel hanggang sa mapuno ang guro sa kakulitan ng biktima na agad na nilapitan at pinagsusuntok sa dibdib kung saan nagmarka at nagkaroon ng pasa ang bata, dahilan para mag-iiyak hanggang sa umuwi ng bahay.
Nang malaman ng ina ng biktima ang sinapit nito sa kamay ng suspect ay agad sinamahan ang anak sa himpilan ng pulisya upang ireklamo si Musa.
Sinabi ng ina ng biktima na walang karapatan ang suspect na saktan ang kanyang anak at pagtuturo lang ng mga aralin at kagandahang asal ang tamang gawin nito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended