^

Metro

Lalaki nagtanggol sa bombay,dinedo ng 2 holdaper

-
Inalay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang kanyang buhay nang tangkain niyang tulungan ang isang bombay na hinoholdap ng dalawang armadong kalalakihan, kahapon ng tanghali sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, walang anumang pagkakakilanlan na nakuha sa biktima bukod sa deskripsyon nito na may taas na 5’4 talampakan, nasa gulang na 25 hanggang 35. Ang biktima ay hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Gen. Malvar Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-11:15 ng tanghali sa Zuzuaregi St., Commonwealth Avenue, Barangay Old Balara ng naturang lungsod.

Nauna rito, hinarang ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect ang holdap victim na si Singh Macarumbay habang ito ay sakay sa kanyang motorsiklo.

Sapilitang kinuha ng mga suspect ang P5,000 pera ng bombay at iyon ay nasaksihan ng nasawi.

Minabuti nito na tulungan si Macarumbay subalit papalapit pa lamang siya ay binaril na agad ng mga suspect.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspect at sumakay sa isang pampasaherong jeep. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BARANGAY OLD BALARA

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS FRANCHE

INALAY

MACARUMBAY

MALVAR HOSPITAL

QUEZON CITY

SINGH MACARUMBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with