1 pang bebot natagpuang patay sa Taguig
August 17, 2003 | 12:00am
Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang tinadtad ng tama ng bala ng baril sa buong katawan sa loob ng isang sementeryo sa bayan ng Taguig, kahapon ng umaga.
Wala pang mapagkakakilanlan sa biktima kung saan ito ay tinatayang nasa gulang 30-34, may taas na 52 talampakan, nakasuot ng maong na pantalon, kulay gray na T-shirt at nakasandalyas.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng babae sa loob ng Maharlika Cemetery na nasa Maharlika Village, Taguig.
Magugunitang noon lamang nakaraang linggo, isang babae ang natagpuan ding patay na tadtad din ng tama ng bala ng baril sa katawan at naganap din sa nabanggit na barangay.
Bukod sa anggulong salvage may teorya rin ang pulisya na posibleng ang gumagalang serial killer ang responsable sa mga naganap na krimen.
Base pa rin sa ulat ng Taguig Police, noong mga nakaraang buwan ilang babae rin ang pinatay ng hindi pa nakikilalang suspect o mga suspect kung saan naganap ito sa iisang lugar lamang.
Patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat sa mga kaso. Inaalam din kung may mga koneksyon ang mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am