Marikina fire: 4-anyos patay, 2 kapatid kritikal
August 17, 2003 | 12:00am
Isang 4-anyos na batang babae ang nasawi, samantalang nasa kritikal pa ding kondisyon ang dalawa niyang nakababatang kapatid makaraang masunog ang kuwartong kanilang tinutulugan dulot ng isang nakasinding kandila na iniwan ng kanilang ina, kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Marikina.
Namatay habang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang nakilalang si Jonalyn Borbon, habang nasa malubha pa ring kalagayan ang dalawa pa nitong kapatid na sina Buboy, 3 at William, 2, pawang residente sa 221 Champaca 2, Barangay Parang ng nasabing lungsod. Ang magkakapatid ay pawang nagtamo ng 3rd degree burn sa kanilang katawan.
Ayon kay Senior Inspector Antonio Razal, hepe ng Bureau of Fire ng Marikina City naganap ang insidente dakong alas-12:25 ng madaling-araw sa bahay mismo ng magkakapatid habang natutulog ang mga ito.
Nabatid na umalis ng bahay ang ina ng mga bata na nakilalang si Estrelita,42 at iniwan nitong nakasindi ang kandila sa kuwarto.
Laking gulat nito na sa kanyang pagbalik ay nakita nang nagliliyab ang kuwartong tinutulugan ng kanyang mga anak.
Narinig pa nito na nag-iiyakan ang mga bata at nang mailabas sa nasusunog na bahay ay halos lapnos na ang mga katawan.(Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended