4 sugatan sa pagsabog
August 16, 2003 | 12:00am
Apat katao ang nasa malubhang kalagayan makaraang masugatan sanhi ng pagsabog ng pillbox sa loob ng isang videoke bar, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ginagamot sa Gen. Malvar Hospital ang mga biktima na nakilalang sina Luis Reyes, 20; Paul Abella, 47, kapwa residente sa Barangay Holy Spirit; Rodel Bautista, 27, ng Batasan Hills at Hermina Torres, 35.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:15 ng gabi sa loob ng Jacobs Grille Bar and Restaurant sa Barangay Commonwealth ng nabanggit na lungsod.
Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang bigla na lamang naghagis ng pillbox habang ang mga biktima ay nag-iinuman sa loob ng restaurant.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na gumanti ang ilang kalalakihan sa mga naka-away nilang mga waiter sa restaurant kung kayat rumesbak ang mga ito at ang mga biktima ang siyang nadamay. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended