^

Metro

Ginang tinadtad ng bala ng mga holdaper

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi nakikilalang suspect ang isang ginang na empleyada ng Caloocan City Hall, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo General Hospital dahil sa pagtatamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan ang biktimang si Cecilia Ramos, 37, ng Callejon F, Lucban St., Gagalangin, Tondo.

Sa ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa kahabaan ng Cavite St., Gagalangin.

Nabatid na nag-aabang na ng sasakyan ang biktima papasok sa kanyang trabaho nang huminto sa kanyang harapan ang isang kulay berdeng Isuzu Crosswind (SAF-808).

Agad na pinaputukan ng mga suspect ang biktima at tinangay ang bitbit na bag nito bago nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon.

Narekober ng mga imbestigador ang tatlong basyong bala ng kalibre .45 na ginamit sa krimen.

Isang masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng mga awtoridad sa anggulo ng pamamaslang kung saan posible umanong tinangay lamang ng mga suspect ang bag ng biktima upang palabasin na panghoholdap ang motibo ng krimen.

Duda ang pulisya na maaaring may kinalaman sa iregularidad sa Caloocan City Hall ang krimen matapos na sabihin ng ilang saksi na kulay pula ang plaka ng van na ginamit ng mga suspect na posibleng sasakyan ng gobyerno. (Ulat ni Danilo Garcia)

CALLEJON F

CALOOCAN CITY HALL

CAVITE ST.

CECILIA RAMOS

DANILO GARCIA

GAGALANGIN

HOMICIDE DIVISION

ISUZU CROSSWIND

LUCBAN ST.

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with