^

Metro

Station commander sinibak dahil sa illegal venodrs

-
Dahil sa hindi masugpong pagkalat ng vendor sa kalsada, pinasibak kahapon ni Manila Mayor Lito Atienza Jr. ang station commander ng Western Police District (WPD) Station 3 at ang Police Community Precinct (PCP) commander nito.

Nasorpresa kahapon si Supt. Angelito Sta. Mina, station commander ng Station 3 at C/Insp. Ferdinand Quirante ng Blumentritt PCP nang biglang dumating si Atienza kasama si WPD Director Chief Pedro Bulaong at nag-inspeksyon sa nasasakupan nitong lugar dakong alas-11 ng umaga.

Dito nadiskubre ng Alkalde na patuloy pa rin ang nagkalat na vendor sa harapan mismo ng Station 3 sa Blumentritt kaya’t kaagad nitong ipinasibak ang dalawa kay Bulaong na siya namang kaagad gumawa ng rekomendasyon na epektibo kaagad kahapon.

Ayon sa Alkalde, nagpagawa na umano sila ng New Antipolo market o Talipapa sa nasabing lugar upang dito na manatili ang mga vendors at hindi sa gitna ng kalsada na siyang nagdudulot ng masikip na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Blumentritt.

Nabatid na nauna na ring winarningan ni Atienza si Sta. Mina at mga tauhan nito noong inauguration ng bagong talipapa na huwag nang pag-istambayin ang mga vendors sa harapan ng presinto dahil sa pangit itong tingnan at nakakasagabal na rin sa mga commuters. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALKALDE

ANGELITO STA

ATIENZA

BLUMENTRITT

DIRECTOR CHIEF PEDRO BULAONG

FERDINAND QUIRANTE

GEMMA AMARGO

MANILA MAYOR LITO ATIENZA JR.

NEW ANTIPOLO

POLICE COMMUNITY PRECINCT

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with