^

Metro

Pag-absuwelto sa MCU kinontra ni Sen. Oreta

-
Kinuwestiyon ni Senator Tessie Aquino-Oreta ang agarang pag-absuwelto ng Department Of Health sa MCU Hospital kaugnay sa kawalan nito ng responsibilidad sa kaso ng Calisaan quadruplets noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Sen. Oreta na dapat lamang madaliin ng Senado ang pagpasa ng Magna Carta for Patients Rights upang hindi na maulit ang trahedyang sinapit ng mag-asawang Calisaan na nabigong makakuha ng agarang medical treatment dahil sa kawalan ng pambayad sa ospital.

Ayon kay Oreta, dapat na isinailalim sa imbestigasyon ng DOH ang MCU hospital upang malaman kung may pananagutan itong administratibo dahil sa pagkamatay ng Calisaan quadruplets noong nakaraang buwan.

Aniya, hindi lamang dapat sa Espiritu Medical and Maternity Clinic ibunton ng DOH ang sisi sa pagkasawi ng quadruplets kundi alamin din ng mga ito ang naging kapabayaan ng MCU hospital at ng Fabella Memorial Hospital.

Sa panayam ni Sen. Oreta kay Vladimir Calisaan, ama ng quadruplets, iginiit nito na hindi ang paglabag ng MCU sa ‘no deposit law’ ang kanyang iniangal kundi ang kapabayaan ng ospital sa pagtingin sa kanilang mga anak matapos na malaman na wala silang pambayad para sa medical treatment ng mga ito kaya pilit na inilipat sa Fabella ang kanilang mga sanggol.

Sinabi pa ng senadora na hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng reklamo laban sa MCU. (Ulat nina Rudy Andal at Rose Tamayo)

CALISAAN

DEPARTMENT OF HEALTH

ESPIRITU MEDICAL AND MATERNITY CLINIC

FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

MAGNA CARTA

ORETA

PATIENTS RIGHTS

ROSE TAMAYO

RUDY ANDAL

SENATOR TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with