9-anyos na batang lalaki nagbigti?
August 13, 2003 | 12:00am
Palaisipan ngayon sa pulisya ang pagkamatay ng isang 9-anyos na batang lalaki makaraang matagpuan itong nakabigti sa loob ng kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kahapon ng umaga tuluyan nang binawian ng buhay sa Manila Central Univerity ang biktimang si Jerome Denilca, matapos itong ma-confine makaraang matuklasan ang pagbibigti nito.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang matagpuan ng kanyang pinsang si Archie ang biktima habang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Gana Compound, Balintawak, Quezon City. Isang leather na sinturon nakitang nakapulupot sa leeg nito.
Agad na isinugod ang paslit sa pagamutan subalit binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras.
Hindi naman makuhanan ng pahayag ang mga magulang nito kaugnay sa sinasabing pagpapatiwakal ng paslit.
Gayunman, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para alamin kung may naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am