Taxi driver patay sa holdaper
August 13, 2003 | 12:00am
Tuluyang pinaslang ng dalawang holdaper ang isang taxi driver nang pumalag ito sa kanilang panghoholdap, habang kritikal naman sa tama ng bala ng baril ang isang pulis na kasamang tumugis sa mga ito, kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Maynila.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang driver na si Laurendo Padrigo, 51, ng Unit 5 Purok 10, Adarana Extension, Quezon City.
Kritikal naman sa East Avenue Medical Center dahil sa tama ng bala sa tiyan ang pulis na si Arnel Capistrano na nakatalaga sa CIDG sa Camp Crame.
Isa naman sa mga suspect ang naaresto na nakilalang si Salvador Ortelano, 28, binata ng Tagaytay St., Barrio San Jose, Caloocan City habang nakatakas naman ang isa pang kasamahan nito.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling-araw sa may Mauro St. Sampaloc, Maynila.
Napag-alaman na pinara ng mga suspect ang driver na si Padrigo at nagpahatid sa naturang lugar.
Ilang sandali pa ay nagdeklara na ng holdap ang mga suspect, gayunman sa halip na ibigay ang kanyang kinita tinangkang manlaban ni Padrigo kaya siya pinagbabaril ng mga suspect.
Narinig naman ng mga tanod at ng pulis na si Capistrano ang mga putok ng baril kaya agad silang nagresponde, subalit minalas ding tamaan ng bala ang pulis. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended