Presong sangkot sa riot inilipat sa MMRC
August 11, 2003 | 12:00am
Inilipat na sa Metro Manila Rehabilitation Center (MMRC) ang 15 preso mula sa Quezon City Jail na sangkot sa riot na nagresulta ng pagkasugat ng limang katao kamakalawa ng madaling-araw.
Ayon kay QC Jailwarden Supt. Gilberto Marpuri, tatlo na sa 15 preso ang sinampahan ng kaukulang kaso na kinabibilangan nina Raymundo Fruto, na may kasong kidnap for ransom; Jude Valenzuela, may kasong robbery at Jimbo Embile na may kasong murder sa QCRTC.
Ang tatlo ang itinuturong nagpasimuno ng riot sa pagitan ng Sigue-Sigue Sputnik at Sigue-Sigue Commando.
Sinabi ni Marpuri na ang paglilipat sa mga nasabing preso kabilang na ang kanilang mga mayores ay bilang parusa na rin sa mga ito na nais na guluhin ang pamamalakad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Matatandaan na limang preso ang nasugatan makaraang magsaksakan ang SSS at SSC kamakalawa ng madaling-araw dahil lamang sa konting ingay na dulot ng SSS na ikinairita ng SSC. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended