^

Metro

Ex-staff ni GMA nakikialam sa DPWH

-
Kinukuwestiyon ng rank and file ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang umano’y pakiki-alam ng isang dating staff ng pangulong Arroyo sa mga appointment at desisyon ni DPWH Secretary Florante Soriquez.

Sa ginawang pagpupulong ng ilang tauhan ng DPWH sa Quezon City, sinabi ng mga ito na pinatalsik si Ronnie Albao dating Presidential Staff dahil sa pagkakasangkot nito sa ilang kuwestiyonableng transaksiyon kung saan ginagamit pa nito ang pangalan ng Pangulong Arroyo.

Ginagamit din umano ni Albao ang kanyang koneksiyon sa Malakanyang nang magbenta ito ng raffle ticket sa mga regional, district at project management offices dahil ikinakatwiran nito na ang kikitain ay gagamitin sa pagpapatayo ng simbahan sa Leyte.

Subalit ang nasabing raffle draw ay ilang ulit ipinagpaliban at wala namang nagsabi sa kampo ni Albao kung natuloy ito o hindi na.

Sinabi pa ng mga tauhan ng DPWH na nakikialam din si Albao sa promotion ng ilang opisyal ng kawanihan bagama’t ang mga ito ay hindi kuwalipikado. Kaya din umano nitong impluwensiyahan sa promotion ng ilang opisyal si Soriquez.

Nagtataka din sila kung bakit nananatili bilang DPWH Director ng Region 4-A si Bonner Seguit at Region 3 naman si Josefino Rigor samantalang may bago nang department order na ipinalabas para sa kanilang bagong assignment.

Simula anila ng maupo si Soriquez ay tumindi ang takot at faction sa loob ng organisasyon. (Ulat ni Doris Franche)

ALBAO

BONNER SEGUIT

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DORIS FRANCHE

JOSEFINO RIGOR

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL STAFF

QUEZON CITY

RONNIE ALBAO

SECRETARY FLORANTE SORIQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with