Pagbabawal sa yellow lane sa EDSA, simula na
August 11, 2003 | 12:00am
Simula na ngayong araw ang pagbabawal sa mga pribadong sasakyan sa pagdaan sa yellow lane sa EDSA gayundin ang mga bus na kumukuha ng linya sa innermost lane na daanan naman ng mga private car.
Ayon sa MMDA Traffic Operation Division, ang outermost lanes sa EDSA ay ekslusibo naman sa mga pampublikong sasakyan matapos na ipasya ng MMDA ang implementasyon para sa Organized Bus Route Scheme o tinatawag na single dispatch system na nakalaan lamang sa mga PUVs.
Papatawan naman ng halagang P300 ang bawat motorista na lalabag sa bagong regulasyon bukod pa sa ipapataw na suspensiyon.
Ang bagong sistema ay magbibigay ng kaluwagan sa pagsisikip na daloy ng trapiko sa EDSA at makatutulong sa mga PUVs na makatipid sa gasolina. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended