^

Metro

400,000 botante sa MM aalisin sa voter's list

-
Umaabot sa 400,000 mga botante ng Metro Manila ang nakatakdang tanggalin na sa voter’s list ng Commission on Elections (Comelec) sa layuning linisin ito sa mga botanteng dobleng nagparehistro, flying voters at mga hindi na residente ng isang lugar.

Sinabi ni Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. na nakipagpulong na siya sa 29 na election officers ng National Capital Region kamakalawa ukol sa paglilinis sa voter’s list.

Nakatakdang magsumite ng exclusion proceeding sa korte ang Comelec para sa may 300,000-400,000 mga botante na namatay na, hindi na residente sa lugar na doon sila nakarehistro at mga hindi kinukonsidera ng mga opisyal ng barangay.

Sa Marikina City, sinabi ni Abalos na may kabuuang 88 kaso ng double registration ang nadiskubre ng mga election officers at nasampahan na ng mga kaukulang kaso sa korte.

Nabuko rin naman sa Caloocan City ang pagrerehistro ng doble ng ilang mga residente at nang ipatawag ay umamin sa pagkakasala para maging flying voter at nangakong hindi na uulit.

Idinagdag ni Abalos na hindi na magkakaroon ng mga double registration ngayon dahil sa ipinapatupad na bagong sistema ng registration sa paggamit ng computers na kumukuha ng litrato, digital fingerprints at lagda ng mga botante na siyang ilalagak naman sa nationwide database ng Comelec. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABALOS

CALOOCAN CITY

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

DANILO GARCIA

IDINAGDAG

METRO MANILA

NABUKO

NATIONAL CAPITAL REGION

SA MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with