^

Metro

Onsehan sa droga,mag-utol niratrat

-
Isa ang namatay, samantalang nasa kritikal namang kondisyon ang kapatid nito makaraang pagbabarilin ng umano’y inonse nila sa droga kahapon ng umaga sa Quezon City.

Hindi na umabot pang buhay sa East Avenue Medical Center ang biktima na nakilalang si Reynante Victorino, 32, samantalang malubha ding nasugatan ang kapatid niyang si Roberto, 24, kapwa residente ng Sitio Mabilog, Tandang Sora ng nabanggit na lungsod.

Mabilis namang nakatakas ang suspect na nakilalang si Arnold Fausto lulan ng isang tricycle.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga habang ang magkapatid ay nagkakape.

Dumating ang suspect sakay ng tricycle at agad na pinaulanan ng putok ng baril ang dalawang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, onsehan sa droga ang nakikitang motibo ng pamamaril sa dalawa dahil sa kilala umanong tulak ng droga sa lugar ang suspect. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARNOLD FAUSTO

BATAY

DORIS FRANCHE

DUMATING

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ISA

QUEZON CITY

REYNANTE VICTORINO

SITIO MABILOG

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with