^

Metro

'Tulak' natakot sa vigilante, sumuko

-
Dahil sa takot na maging biktima ng ‘vigilante group’ sumuko sa mga awtoridad ang isang notoryus na drug pusher na pang-apat sa listahan ng Order of Battle (OB) ng Caloocan City Police-Drug Enforcement Unit, kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ng pulisya ang sumuko na si Oland dela Cruz, alyas Putol.

Si Putol ay personal na nagtungo sa pulisya at isinuko ang sarili makaraang makarating sa kanyang kaalaman na pinaghahanap na siya ng ‘vigilante group’ upang likidahin dahil sa talamak nitong pagtutulak ng droga.

Nabatid na si Putol ay pang-apat na sa listahan ng 10 notorious target illegal drug personality kung saan nagkukuta ito sa M. Hizon St. sa 10th Avenue West ng nasabing lungsod.

Inginuso ni Putol ang isang nagngangalang ‘Rosing Uhog’ na siyang kinukunan niya ng shabu. (Ulat ni Rose Tamayo)

AVENUE WEST

CRUZ

DAHIL

DRUG ENFORCEMENT UNIT

HIZON ST.

INGINUSO

ORDER OF BATTLE

PUTOL

ROSE TAMAYO

ROSING UHOG

SI PUTOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with