Driver timbog sa panghahalay sa 9-anyos
August 8, 2003 | 12:00am
Isang 18-anyos na pedicab driver ang inaresto ng pulisya makaraang gahasain nito ang isang 9-anyos na paslit na may diprensiya sa pag-iisip sa loob ng pedicab, kamakalawa ng gabi sa Taguig.
Nakilala ang dinakip na suspect na si Arvin Sanchez ng Franco St., Barangay Wawa, Taguig makaraang ireklamo ito ng ina ng biktimang itinago sa pangalang Jing.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa loob ng minamanehong pedicab ng suspect sa Bagong Calunda St., Usuan, Taguig.
Nabatid na habang papauwi na ang biktima niyaya ito suspect na sumakay sa minamanehong pedicab at sila ay mamamasyal.
Dahil sa may diprensiya sa pag-iisip madaling nakumbinsi ng suspect ang biktimang paslit.
Dinala ang bata sa isang madilim na lugar at sa loob ng pedicab ginahasa. Matapos ang panghahalay hinatid pa rin niya ang bata sa lugar na pinagkunan dito.
Nakita naman ng ina ni Jing ang ginawang paghahatid ng suspect kung kaya inusisa nito ang kanyang anak.
Ikinuwento naman ng bata ang ginawa sa kanya ng suspect kung kaya mabilis na nagsumbong sa pulisya ang kanyang ina na naging daan sa pagkakadakip dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended