Chinese community naaalarma na naman sa kidnap
August 8, 2003 | 12:00am
Muli na namang nagpahayag ng pagkabahala ang Chinese community sa pagtaas muli ng insidente ng kidnapping matapos na apat na Fil-Chinese ang naitalang dinukot sa loob lamang ng dalawang linggo.
Ayon kay Teresita Ang See, chairperson ng Citizen Action Against Crime and Corruption (CAACC) apat na insidente ng kidnapping ang kanilang nakalap mula Hulyo 19 hanggang kahapon.
Hindi na umano nag-ulat sa pulisya ang mga kamag-anak ng biktima na pinalaya rin matapos na makapagbayad ng ransom ang mga ito.
Ilan umano sa mga biktima na pawang mga Fil-Chinese ay mga estudyante na inaabangan ng mga suspect sa pagpasok at pagpalabas sa kanilang mga paaralan.
Idiniin ni See na isa sa mga biktima na isang babaeng estudyante ay tumagal pa ng may 22 araw na bihag ng mga kidnaper dahil sa matagal na negosasyon.
Takot na umano ngayon ang Chinese community sa seguridad ng kanilang mga nag-aaral na anak lalo na sa Maynila kung saan dito nakatayo ang mga eksklusibong Chinese schools sa maluwag na seguridad na ibinibigay ng WPD.
Naging mahigpit lamang umano ang pagbabantay sa mga paaralan nitong nakalipas na pasukan ngunit unti-unting inalis na rin ang police visibility.
Binanggit ni See na tila nakalimutan na ng pulisya ang laban nito sa kidnapping nang tumutok sa isyu ng terorismo at sa kudeta.
Samantala, binabalak ng Taiwanese na si Wang Teng Fa na biktima ng pagdukot ng mga tauhan ng DILG-Task Force Jericho na bumalik na lamang sa Taiwan matapos ang insidente noong Martes sa lalawigan ng Pampanga.
Ayon sa ilang opisyal ng PNP, na-trauma ang biktima matapos na malaman na mismong ang mga pulis ang siyang nagsasagawa ng kidnapping kung saan siya mismo ang biktima.
Ipinasya na rin ng biktima na iwan na lamang ang kanyang negosyo na taniman ng pakwan sa Pampanga dahil hindi niya alam ang posibleng sumunod na mangyayari matapos ang isinagawang entrapment operation laban sa mga pulis na sina Chief Inspector Orlando Melchor; PO2 Darius Salonga; PO1 Ariel Torifiel, ng TF Jericho at mga sibilyan na sina Alvin Nucum at Fil-Chinese na si Kenneth Sia. (Ulat nina Danilo Garcia,Joy Cantos at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended