Sinabi ng senador, na siyang chairman ng senate committee on environment and natural resources na sa kasalukuyan, pinapatawan lamang ng multang P500 ang sinumang lalabag sa PD953 o ang pagpuputol ng puno.
Aniya, layunin ng kanyang Senate Bill 2617 na bigyan ng mas mabigat na parusa ang sinumang mangangahas na magputol ng mga puno nang walang pahintulot ng DENR.
Magugunita na ipinatigil ng Malacañang kamakailan ang ginagawang pagputol ng mga puno ng MMDA sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City matapos itong batikusin ng ibat ibang sektor. (Ulat ni Rudy Andal)