9-anyos minartilyo ng adik na amain
August 7, 2003 | 12:00am
Arestado ang isang adik na amain makaraang pagpapaluin nito ng martilyo ang isang 9-anyos na batang lalaki na anak ng kanyang kinakasama, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Marikina.
Nakilala ang dinakip na amain na si Larry Bayoneta, 24, basurero, ng Phase II Resettlement Site, Brgy. Nangka ng nabanggit na lungsod.
Samantala, nagtamo naman ng mga pasa at ilang sugat sa katawan ang biktimang itinago sa pangalang Jeff.
Naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa naturang bahay habang nanonood ng telebisyon ang biktima nang dumating ang suspect na lango sa alak at nanlilisik ang mata kaya hinihinalang tumira ito ng droga.
Kumuha umano ng martilyo ang suspect at habang hawak sa isang kamay ang isang patalim ay tumabi ito sa biktima.
Walang sabi-sabing pinaghahataw nito ng martilyo sa katawan ang bata habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg nito.
Naawat naman ng nanay ng biktima ang ginagawang pagmamartilyo ng suspect sa kanyang anak kaya matapos ito ay nagtungo na sila sa pulisya at inireklamo ang suspect.
Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at dinakip si Bayoneta.
Napag-alaman na sa tuwing sabog sa droga ang suspect ay pinagti-tripan nitong saktan ang biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest