^

Metro

Megamall bombers nasakote

-
Makalipas ang mahigit tatlong taong pagtatago sa batas, nadakip ng pinagsanib ng mga intelligence operatives ng pulisya at militar ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng Muslim extremist terrorist group na sangkot sa pambobomba sa Cinema 6 ng SM Megamall sa Mandaluyong City noong taong 2000 sa isinagawang raid sa Maharlika Village, Taguig, Metro Manila.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, iniharap ng mga opisyal ang suspect na kinilalang si Dante Ambo at Danny Boisan na nasamsaman ng improvised explosive device, MK2 hand-grenade at detonating cords na may blasting caps.

Nabatid na ang suspect ay nasakote sa kanilang pinagkukutaan sa Maharlika Village, Taguig, Metro Manila kamakalawa dakong 6:20 ng umaga.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Benjamin Pozon ng Metropolitan Trial Court Branch 74 ng Taguig, Metro Manila.

Sinabi ni PNP-CIDG Chief P/Director Eduardo Matillano na inamin ni Boisan matapos itong isailalim sa masusing tactical interrogation na sila ang responsable sa pambobomba sa nasabing sinehan noong Mayo 21, 2000.

Nasawi sa insidente ang isang janitor habang marami pa ang nasugatan kung saan, ayon kay Matillano ay lumilitaw na ang naganap na pambobomba ay sampol pa lamang sa malagim na Rizal day bombing na ikinasawi ng 20 katao habang kulang-kulang pa sa 100 ang nasugatan noong Disyembre 30, 2000. Ang malagim na insidente ay kagagawan umano ng puganteng si Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi at ng mga kaalyado nitong lokal na terorista sa bansa.

Ikinanta pa ni Boisan na ang pambobomba sa SM Megamall ay isinagawa ng kanilang grupo sa kautusan na rin ni Ustadz Nabil Panayaman, umano’y isang Commander ng MILF na ipinadala sa Metro Manila upang maghasik ng karahasan.

Lumilitaw pa na isinagawa ang pambobomba para takutin at itaboy ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BOISAN

CAMP CRAME

CHIEF P

DANNY BOISAN

DANTE AMBO

DIRECTOR EDUARDO MATILLANO

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

MAHARLIKA VILLAGE

METRO MANILA

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with