^

Metro

Karera ng motorsiklo: 1 patay, 3 sugatan

-
Naging madugo ang karera ng motorsiklo sa lungsod ng Marikina, makaraang isang lalaki ang namaril na ikinasawi ng isang katao at ikinasugat ng tatlong iba pa kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Rommel Bermeo, 26, organizer ng palaro matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo samantalang sugatan naman sina Eduardo Go, 24; Rio Alloso, 36 at Joselito Sevilla pawang mga nanonood nang tamaan ng ligaw na bala. Ang mga ito ay dinala sa Amang Rodriguez Medical Center.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 7:35 ng gabi sa kahabaan ng Gil Fernando Ave. Ext. sa Brgy. Sto. Niño ng nabanggit na lungsod habang ginaganap ang karera ng motorsiklo.

Nasa tent ang biktimang si Bermeo nang bigla itong lapitan sa likuran ng hindi pa nakikilalang suspect at barilin ng apat na ulit sa ulo na ikinadamay naman nina Go, Alloso at Sevilla.

Nang makitang bumulagta ay mabilis na tumakas ang suspect sakay ng isang kulay berdeng motosiklo.

Napag-alaman na bago magsimula ang insidente, may naka-away ang biktima subalit agad ding naawat kung kaya’t tinitignan ng pulisya ang posibilidad na paghihiganti ang motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Edwin Balasa)

ALLOSO

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BERMEO

BRGY

EDUARDO GO

EDWIN BALASA

GIL FERNANDO AVE

JOSELITO SEVILLA

RIO ALLOSO

ROMMEL BERMEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with