Adik sa video inutas ng mag-utol
August 4, 2003 | 12:00am
Isang lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang magkapatid habang nasa kasarapan ng paglalaro ng video game kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Patay na nang idating sa Veterans Memorial Medical Center ang biktima na nakilalang si Nelson Salcedo,21 ng H-176 San Roque II, Brgy. Bagong Pag-asa, Q.C. sanhi ng maraming saksak sa katawan.
Agad namang nadakip ang mga suspect na nakilalang sina Danilo, 32 at Eugenio Tacaban, 22, kapwa naninirahan sa 218 Scatan St. ng naturan ding barangay.
Ayon kay SPO4 Rafael de Peralta ng CPD-CIU, naganap ang insidente dakong alas 12:30 ng madaling araw sa loob ng isang video arcade na matatagpuan sa San Roque Court Dam Site, sa Brgy. Pag-asa, Q.C. kung saan masayang naglalaro ang biktima.
Bigla na lamang lumapit ang magkapatid na suspect na nooy nasa impluwensiya ng droga at lango sa alak at pinaki-alaman ang nilalarong video game ng biktima.
Binalewala naman ng biktima ang pang-aasar ng mga suspect hanggang sa bigla na lamang itong undayan ng saksak ni Danilo na sinundan pa ng saksak ni Eugenio.
Tinangka pa ng magkapatid na tumakas subalit nakuyog naman ito ng mga taumbayan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest