14 taon hatol sa sekyung nahulihan ng shabu
August 3, 2003 | 12:00am
Dahil sa halagang P100 na shabu, 14-taong maghihimas ng selda ang isang sekyu matapos itong hatulan ng Caloocan City Regional Trial Court na guilty sa pag-iingat ng nasabing ipinagbabawal na gamot.
Ang hinatulan ay nakilalang si Orlando Gueco, nasa hustong gulang, ng #201 Gonzales St., Caloocan City.
Ayon sa 15-pahinang desisyon ni CCRTC Branch 127 Judge Myrna Dimaranan-Vidal, si Gueco ay nahulihan ng .12 gramo ng shabu noong Oktubre 17, 2002 sa isinagawang buy-bust operation ng mga kagawad ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Caloocan City police.
Si Gueco ay inaresto matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa pagtutulak nito ng shabu dahilan upang magsagawa ng buy-bust operation ang DEU laban sa akusado.
Hindi kinatigan ng korte ang pahayag ni Gueco na ang nakuhang shabu sa kanyang bulsa ay itinanim lamang sa kanya ng mga tauhan ng DEU dahil wala itong maipakitang ebidensya sa korte. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended