^

Metro

Ayala Land, Inc. nagpaliwanag

-
Mariing itinanggi kahapon ng pamunuan ni Ayala Land, Inc. Chairman Fernando Zobel de Ayala ang napaulat na isinasailalim sa masusing imbestigasyon at interogasyon ang chief security sa Ayala Center sa hinalang may kinalaman ito sa naganap na mutiny noong nakaraang Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa chairman, wala silang alam na anumang uri ng intelligence report na maaaring nagdadawit kay Ret. Col. Wenceslao Cruz o sa sinumang empleyado ng Ayala Land sa naganap na mutiny.

Nilinaw pa ni Ayala na si Col. Cruz na may 17 taon ng nagsisilbi sa kompanya ay hindi Ayala chief security force kundi general manager ng Ayala Center Association, na ang mga miyembro ay shop owners at locators sa Glorietta at Greenbelt areas.

Hindi umano marapat na madawit at madungisan ang pangalan ni Cruz sa ganitong mga gawain. Sa katunayan ay kabilang sa Ayala personnel na binigyan nang pagkakilala dahil sa ipinakita nilang dedikasyon sa kanilang tungkulin lalo noong naganap ang Oakwood crisis.

vuukle comment

AYALA

AYALA CENTER

AYALA CENTER ASSOCIATION

AYALA LAND

AYON

CHAIRMAN FERNANDO ZOBEL

CRUZ

GLORIETTA

LINGGO

MARIING

WENCESLAO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with