^

Metro

Vigilante sa QC sumalakay uli: 1 pa tinumba

-
Muling sumalakay ang vigilante group sa Quezon City ng matagpuan na naman ang isang lalaki na pinaniniwalaang tulak ng droga na tinadtad ng bala ng baril at saka tinalian sa leeg, kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ang biktima ay tinatayang nasa edad na 30-40, may taas na 5’7 talampakan, payat ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot lamang ng puting brief at may puting bimpo.

Ang biktima ay may tama ng bala ng baril sa ulo at saka tinalian ng nylon cord ang leeg.

Ayon kay SPO1 Salvador Buenviaje, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6 ng umaga sa ilalim ng puno ng balite ni Pablito Solitana, isang BSDO sa panulukan ng Samat St. at Sto. Domingo St. sa Barangay Sto. Domingo ng nabanggit na lungsod.

Bago ito nakarinig ang mga residente ng mga putok ng baril dakong alas-2 ng madaling araw subalit hindi naman nila ito pinansin hanggang sa kinabukasan ay nakita ang bangkay ng biktima.

Katabi nito ang isang karatula na nakasaad ang ganito: "Wag ninyo akong tularan, kayo na susunod". Ilang shabu din na nakalagay sa sachet ang nakitang nakapatong sa noo nito. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BARANGAY STO

BATAY

DOMINGO

DOMINGO ST.

DORIS FRANCHE

PABLITO SOLITANA

QUEZON CITY

SALVADOR BUENVIAJE

SAMAT ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with