3 driver ng Malabanan,timbog sa pagtatapon ng dumi sa kanal

Tatlong driver ng Malabanan Excavation and Plumbing Service ang inaresto dahil sa umano’y pagtatapon ng tatlong truck ng dumi ng tao sa isang drainage sa kahabaan ng EDSA sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga suspect na si Jessie Cabrido, Arnel Marciano at Roberto Marciano, mga empleyado ng Malabanan.

Batay sa imbestigasyon, minamaneho ng tatlo ang tatlong suction truck ng Malabanan at huminto sa isang bahagi ng EDSA na malapit sa Robinson’s Apartelle sa Mandaluyong dakong alas-2:15 ng umaga.

Nagpanggap umano na nasiraan ang isa sa mga truck at naghihintay ng mekaniko, habang ang dalawa naman ay inilatag ang hose ng truck at ipinasok sa bukana ng drainage.

Napansin ng mga barangay tanod ng Barangka Ilaya ang ginagawa ng tatlo kung kaya mabilis nila itong nilapitan at saka inaresto. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments