2 patay sa rambol sa QC
July 30, 2003 | 12:00am
Dalawa katao ang iniulat na nasawi na kabilang sa magkalabang grupo matapos ang rambulan na naganap kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Patay na nang idating sa Chinese General Hospital si Carlos Badinas, 54, ng Barangay Manresa, Quezon City, habang namatay agad sa pinangyarihan ng insidente ang nakalaban nitong grupo na si Alex Paras, 21, ng nasabi ding barangay.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang rambulan dakong alas-12:45 ng madaling araw sa kahabaan ng Sapocoy St. sa panulukan ng Sgt. Rivera sa nabanggit na lungsod.
Naglalakad umano si Badinas kasama ang ilang kaibigan nang makasalubong nito ang grupo naman ng nasawing si Paras. Nagkaroon umano ng mainitang komprontasyon na humantong sa rambol.
Nabatid na si Badinas ay nagtamo ng saksak sa dibdib, habang si Paras naman ay nabasagan ng bungo sanhi ng palo ng malaking bato sa ulo.
Malaki ang paniwala ng pulisya na may matagal nang alitan ang dalawang grupo na nagpang-abot sa lugar na pinangyarihan ng rambol. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest