^

Metro

PNP pinapa-contempt ng kampo ni Estrada

-
Inihain na kahapon ni Atty. Alan Paguia, abogado ni dating Pangulong Joseph Estrada ang mosyon na humihiling sa Special Division ng Sandiganbayan na i-contempt ang mga miyembro ng Philippine National Police na sapilitang naglipat kamakalawa sa dating pangulo sa Camp Aguinaldo mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sinabi ni Paguia na dapat parusahan ng korte si PNP Chief Supt. General Prospero Noble Jr. dahil inalis nila sa VMMC si Estrada kahit na walang utos mula sa korte.

Ang paglilipat ay naganap kamakalawa ng alas-10 ng umaga sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng mga abogado ni Estrada at maging ng anak nitong si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada.

Naniniwala si Paguia na isang masama at mapanganib na precedent ang ginawa ng mga tauhan ng PNP dahil nilabag nito ang constitutional rights ni Estrada at maging ang tamang proseso ng batas.

Dahil ilegal aniya ang ginawang paglilipat kay Estrada, napilitan ang mga miyembro ng PNP na ibalik si dating pangulong Estrada sa VMMC bandang alas-3 ng hapon.

Wala aniyang dokumentong hawak ang mga tauhan ng PNP sa pangunguna ni Noble nang gawin ang paglipat kay Estrada at hindi rin nila maipaliwanag ang kanilang ginawa kaya dapat lamang silang parusahan ng korte. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ALAN PAGUIA

CAMP AGUINALDO

CHIEF SUPT

ESTRADA

GENERAL PROSPERO NOBLE JR.

MALOU ESCUDERO

PAGUIA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with