Trader pumalag sa holdap, patay
July 29, 2003 | 12:00am
Nasawi ang isang negosyante makaraang barilin ito ng isa sa dalawang miyembro ng motorcycle gang na humoldap sa kanya at nakatangay ng may kalahating milyong piso na kawi-withdraw pa lamang sa isang sangay ng Land Bank sa Quezon City, kahapon ng tanghali.
Namatay habang ginagamot sa St. Agnes Hospital ang biktima na si Jimmy Go Lou, 24, may-ari ng Wellstar Merchandiser sa Roosevelt Avenue, Muñoz, Quezon City bunga ng tinamong isang tama ng bala sa kanyang katawan.
Batay sa isinumiteng ulat ng CPD Investigation Unit naganap ang panghoholdap pasado alas-12 ng tanghali sa harapan ng Land Bank sa nabanggit na lugar.
Nabatid na kakukuha pa lamang ng biktima ng P500,000 cash sa bangko pasakay na sa kanyang kulay berdeng Toyota Corolla pabalik sa kanyang tindahan nang biglang harangin ng isang motorsiklo na kinalululanan ng mga suspect at sapilitang kinukuha ang dala nitong pera. Nagtangkang pumalag ang biktima kaya ito binaril ng suspect.
Bunga ng naturang putok, naalarma ang mga sikyu sa bangko at pinaputukan ang mga suspect. Isa rito ang tinamaan, gayunman kasama pa rin itong tumakas ng kanyang kasamahan. (Ulat nina Angie dela Cruz/ Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended