P800-M shabu nasamsam sa Parañaque raid
July 29, 2003 | 12:00am
Tatlong Chinese national ang dinakip ng pulisya matapos salakayin ang isa na namang pinaniniwalaang shabu laboratory na dito narekober ang 400 kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P800 milyon sa Parañaque City sa isinasagawang follow-up operation.
Sa report ng Parañaque City Police, kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Jackson Lee, 41; Wang Lee, 38, at Lee Shun We, 27, pawang residente ng #1-B 104 Marina Bay Homes, Barangay Tambo ng nabanggit na lungsod.
Ang raid ay isinagawa dakong alas-11 ng umaga kahapon ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
May hinala ang pulisya na si Jackson Lee rin ang may-ari ng shabu laboratory na sinalakay sa Barangay Capipiza, Tanza, Cavite, kamakailan.
Nasamsam ng pulisya ang may 400 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P800 milyon.
Napag-alaman pa na ito na ang pang-anim na shabu laboratory na nadidiskubre ng mga tauhan ng pulisya ngayon lamang buwan ng Hulyo.
Samantala, nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na Chinese habang ang nasamsam na mga shabu ay dinala na sa Camp Crame.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended