^

Metro

2 karnaper nalambat

-
Bumagsak sa mga kamay ng Philippine National Police ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng bigtime carnap syndicate matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng nakaw na sasakyan sa Laoag City kamakalawa.

Ang mga suspect na sina Joselito Perez at Perry Dadila ay nadakip dakong alas-10:10 ng gabi sa isinagawang operasyon sa Gen. Segundo Avenue ng nasabi ding lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya ang dalawa ay nahuli sa aktong nagbebenta ng isang puting Toyota Tamaraw FX sa poseur buyer na isang pulis ng Ilocos Norte Provincial Police Office.

Nabatid na matagal nang tinitiktikan ng pulisya ang mga kilos ng mga suspect bunga na rin ng sunud-sunod na insidente ng carnapping sa Laoag City.

Nakuha naman sa mga suspect ang dalawang Bantay Bayan badge na ang isa dito ay nakapangalan sa isang Dante Requejo ng Philec Road, Brgy. Dolores Taytay, Rizal. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BANTAY BAYAN

DANTE REQUEJO

DOLORES TAYTAY

ILOCOS NORTE PROVINCIAL POLICE OFFICE

JOSELITO PEREZ

JOY CANTOS

LAOAG CITY

PERRY DADILA

PHILEC ROAD

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SEGUNDO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with